Nangako si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. bubuwagin ang mga fixers sa iba’t ibang tanggapan ng gobyerno.

Sinabi ni Marcos, na tila naging bahagi na ng sistema sa pakikipagtransaksyon sa mga ­government offices ang dumaan sa mga fixers para malampasan ang napakahabang paghihintay sa pila na umaabot ng ilang oras.

Naniniwala ang Pangulo na sabwatan ang nangyayari sa ganitong patakaran partikular na sa pagitan ng fixer at ng isang taga-loob o insider na nagtatrabaho sa isang tanggapan ng pamahalaan.

Naghahati aniya sa padulas na nakukuha mula sa isang kliyenteng ginagawa ang transaksyon.

Iginiit ni Marcos na nais niyang magkaroon ng katapusan ang ganitong kalakaran na aniya ay na­ging bahagi na ng burukrasya.

-- ADVERTISEMENT --

Ayon sa Pangulo, ang solusyon dito ay lubusan nang mailatag ang digital transaction sa lahat ng go­vernment offices na aniya’y hindi lang magiging katapusan ng mga fixers kundi magpapabilis pa sa pagpo-proseso ng mga transaksyon sa pamahalaan at iwas “person to person contract.”