Pangungunanahan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang pagpapasinaya sa Union Water Impounding Dam sa bayan ng Claveria, Cagayan.

Ang nasabing proyekto ay convergence project ng National Irrigation Administration o NIA at Department of Public Works and Highways o DPWH.

Kabuuang P750 million ang halaga ng proyekto kung saan P500 million sa water impounding dam na pinondohan ng DPWH habang P250 million naman sa Irrigation Component na mula sa NIA.

Umaabot naman sa 1,050 hectares ang mapapatubigan ng proyekto kung saan nasa 1,017 farmers mula sa bayan ng Claveria ang makikinabang sa naturang irrigation system.

Ayon kay Administrator Engr. Eduardo Eddie Guillen ng NIA flood control project, ang orihinal na aspeto ng proyekto para maiwasan ang pagbaha kung tumataas ang antas ng tubig sa ilog subalit nilagyan ito ng irrigation intake o canal para mapakinabangan ng mga magsasaka ang tubig na naiipon sa ilog mula sa kabundukan.

-- ADVERTISEMENT --

Nagsisilbi ring tourist attraction ang naturang sedimentation control dam.