Pinalawig ni President Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang termino ni Philippine National Police Chief Police General Rommel Francisco Marbil ng apat na buwan.

Ayon sa Presidential Communications Office, magiging epektibo ito bukas, Feb 7, 2025, ang araw ng retirement ni Marbil.

Sa memorandum na nilagdaan ni Executive Secretary Lucas Bersamin, sinabi ni Marcos na inaprubahan niya ang pagpapalawig sa termino ni Marbil lampas sa compulsory retirement age na 56.

Pinasalamatan naman ni Marbil ang pangulo dahil sa pagtitiwala sa kanya sa PNP sa ilalim ng kanyang liderato.

Sinabi ni Marbil, ang apat na buwan na pagpapalawig sa kanyang termino ay makakatulong para mapabuti pa ang mga nauna nang paghahanda sa eleksion.

-- ADVERTISEMENT --

Nangako din siya na pananatilihin ang integridad, professionalism, at dedikasyon sa police organization.

Tiniyak niya na magkakaroon ng focus at lalo pa siyang masigasig na magtrabaho para sa mga paghahanda sa halalan sa buwan ng Mayo, upang masiguru ang payapa, mapagkakatiwaan, patays at tapat na eleksion.

Sa ilalim ng Executive Order No. 136, series of 1999, may kapangyarihan ang pangulo na mag-apruba ng pagpapalawig sa serbisyo sa mga presindential appointees na lampas sa kanilang compulsory retirement age.