Sa Malacañang sasalubungin ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang Bagong Taon.

Ayon kay Palace Press Officer Claire Castro, makakasama ng pangulo sa pagsalubong ang kanyang pamilya at mga mahal sa buhay.

Iginiit ni Castro na hindi bumiyahe ang pangulo ngayong holiday season.

Kinumpirma rin niyang patuloy na nire-review ng pangulo ang 2026 national budget.

Una nang sinabi ng Palasyo na tuloy-tuloy ang trabaho ng pangulo kahit ngayong holiday season.

-- ADVERTISEMENT --