
Iginiit ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na kailangang alamin muna ang katotohanan at makakuha ng ebidensiya sa mga alegasyon ni Vice President Sara Duterte na siya ang nasa likod ng umano’y paninira sa Bise Presidente.
Sa panayam sa Kapihan sa Singapore, sinabi ni Pang .Marcos na ang higit na nakababahala ay ang umano’y pondong mula sa China na, kung mapatutunayang totoo, ay maituturing na banta sa pambansang seguridad to the highest level.
Iniutos din ni Pangulong Marcos ang masusing imbestigasyonsa alegasyong may pondong mula sa China na natanggap ni Vice President Sara Duterte.
Ayon sa Pangulo, seryoso ang usapin at kung mapatutunayang totoo, maituturing itong isa sa pinakamalalaking banta sa Pilipinas dahil nakataya ang soberanya at seguridad ng bansa.
Anoya, nararapat lamang na imbestigahan ng DND ang nasabing isyu dahil parte ito ng kanilang mandato.
Gayunman, sinabi ni Pang.Marcos na hindi muna siya magbibigay ng konklusyon hangga’t hindi napapatunayan ang alegasyon.
Itinanggi rin ni Pang. Marcos na nakiki alam siya sa impeachment proceedings laban kay VP Sara.
Diin ng Pangulo na ang nasabinh usapin ay hinahayaan niyang gampanan ng Senado ang tungkulin nito.
Ayon sa Punong Ehekutibo, nakatuon siya sa pagtupad sa mga programa ng administrasyon bago matapos ang kanyang termino.










