Tinutulan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang panawagan na idekladang persona non grata ang Chinese Ambassador sa Pilipinas.

Sa gitna ito ng isyu sa agawan pa rin ng teritoryo sa West Philippine Sea at ang palitan ng mga pahayag sa pagitan ng ilang opisyal ng Pilipinas at ng Embahada ng China.

Ayon kay Presidential Communications Office Undersecretary Claire Castro, hindi sang-ayon ang Pangulo na ideklarang persona non grata si Chinese Ambassador to the Philippines Jing Quan.

Una nang sinabi ni Castro na nais ng pangulo na umiral ang diplomasya pagdating sa ganitong mga usapin.

Sinabi na rin ng Department of Foreign Affairs sa isang pahayag na maaari itong magkaroon ng hindi magandang implikasyon gaya ng pagganti sa ibang bagay kaya’t kailangan munang timbangin nang mabuti.

-- ADVERTISEMENT --

Una na ring sinabi ng Chinese Embassy na agad na aalis ng bansa si Ambassador Jing Quan kung idedeklara siya persona non grata.

Ayon sa tagapagsalita ng Chinese Embassy, itinalaga ni Chinese President Xi Jinping at tinanggap ni Pang. Marcos, kaya’t ang pangulo ng Pilipinas aniya ay may kapangyarihan na paalisin ng bansa ang ambassador.

Siniguro ng Chinese official, agarang aalis ng bansa si Jing kung sasabihin ito ni Pang. Marcos at sakali naman na isang Chinese diplomat ang maideklarang persona non grata ay aalis silang lahat sa Pilipinas bilang isang grupo.