Tanggap ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang naging resulta ng Halalan 2025, kahit pa hindi nakuha ng kaniyang mga sinuportahang senador ang 12-0 seats sa Senado.
Ayon kay Pangulong Marcos, nakapili na ang taumbayan ng mga lider na makikinig at tutugon sa mga problema ng bansa tulad ng inflation, isyu sa trabaho, at korapsyon.
Gayunpaman, tiniyak ng pangulo na hindi man nanalo ang kaniyang mga kandidato ay magpapatuloy pa rin ang kanilang trabaho at misyon para sa mga Pilipino.
Pinuri din ni Pangulong Marcos ang mga hindi pinalad na kandidato sa ipinamalas na lakas ng loob at pagsusulong ng serbisyo publiko.
Umaasa si Pangulong Marcos na makikinig sa mga hinaing ng taumbayan ang mga bagong halal na opisyal anuman ang kanilang partido para sa mas maayos at maunlad na Pilipinas.