Nagsagawa ng inspeksion ngayong umaga si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Cabagan-Santa Maria Bridge na bumagsak nitong nakalipas na buwan.
Sinasabing ang isang dahilan ng pagguho ng isang bahagi ng tulay ang sunod-sunod na pagdaan ng tatlong overloaded na dump trucks.
Ang tulay na may habang 990 meters at binubuo ng 12 arches at siyam na spans ng pre-stressed concrete girders, ay ginawa para sa light vehicles lamang.
Ito ay mahalagang ruta na nagdudugtong sa Cabagan at Santa Maria hanggang Enrile, Cagayan at Tabuk City, Kalinga.
Ayon sa Isabela Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO), apat na sasakyan ang nasira at anim ang nasugatan nang bumagsak ang bahagi ng tulay.
Bago pa man ang pagbisita ni Marcos sa Isabela, ipinag-utos na niya sa lahat ng mga opisyal na sangkot sa konstruksion ng tulay na panagutin sa nasabing insidente.
Sinimulan ang paggawa sa nasabing tulay noong November 2014 at natapos noong february 1, 2025 sa halagang P1.22 billion.