Pinabulaanan ni Pangulong Ferdinand Marcos ang kumakalat na tsismis sa social media na bigla siyang nagkasakit.
Ito ay matapos na hindi siya makita sa publiko sa gitna ng malalakas na ulan na dala ng bagyong Enteng at southwest monsoon sa Metro Manila at ilang probinsiya.
Tinawag ni Marcos na fake news ang kumakalat na balita dahil wala siyang sakit.
Ginawa ni Marcos ang pahayag matapos na nag-trending sa social media ang #NasaanAngPangulo, kung saan ilang netizens ang nagtatanong kung nasaan ang pangulo sa gitna ng masamang panahon.
Ipinaliwanag ni Marcos na nasa MalacaƱang siya noong Martes.
Ayon sa kanya, nagkaroon siya ng command conference sa ilang commanders at ang ibang oras ay ginugol niya sa pagbabasa ng ilang bagay na may kaugnayan sa kanyang trabaho at gumawa siya ng paperwork.
Dahil dito, sinabi niya na nagulat siya nang marami ang tumawag sa kanya at inaalam ang kanyang kalagayan at sinabi na siya ay may “medical emergency.”