Pinabulaanan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang mga tsismis na nagbitiw sa kanyang puwesto si Defense Secretary Gilberto Teodoro.

Kasabay nito, nanawagan si Marcos sa publiko na huwag maniwala sa “fake news” at iba pang walang katotohanang mga impormasyon na lumalabas sa social media.

Idinagdag pa ni Marcos na tinawagan lamang nila ni Teodoro ang nasabing balita sa kanilang pag-uusap sa telepono.

Kumalat sa social media ang impormasyon na nagbitiw na si Teodoro at mas marami pang miyembro ng gabinete ng administrasyong Marcos ang nagpaplano na magbitiw.

Sinabi naman ni Press Secretary Cesar Chavez na ang nasabing impormasyon ay may layunin na magkaroon ng pagkawatak-watak.

-- ADVERTISEMENT --

Ayon sa kanya, nananatili ang tiwala ni Marcos kay Teodoro.