Tinanggihan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang mga panawagan mula sa ilang senador na suspindihin ang Public Transport Modernization Program (PTMP).
Sinabi ni Marcos na hindi siya sang-ayon sa sinabi ng ilang senador na minadali ang nasabing programa.
Ayon pa kay Marcos, pitong beses nang sinuspindi ang pagpapatupad ng nasabing programa, at ang mga tumututol, o ang komokondena at nanawagan na suspindihin ang PTMP ay nasa minority.
Ipinunto ng pangulo na 80 percent ng jeepneys ang sumailalim na sa consolidation.
Matatandaan na mayorya o 22 sa 23 senador ang sumuporta sa resolusyon na humihilingsa pamahalaan na pansamantalang suspindihin ang implementasyon ng PTMP.
-- ADVERTISEMENT --