Nagsagawa ng pagpupulong ang Philippine Constructors Association (PCA) katuwang ang lokal na pamahalaan ng Tuguegarao at pamahalaang anlalawigan ng Cagayan upang makausap ang mga constructors ng Cagayan.
Ayon kay Tuguegarao City Mayor Maila Ting-Que ang alok ng PCA sa probinsya ng cagayan ay isang magandang oportunidad para sa mga skilled worker ng lungsod upang i-professionalize ang construction industry at hindi mapag-iwanan ang bansa sa mga magagaling na laborers at kagamitan para sa mga construction work.
Aniya , makatutulong ang partnership na ito sa skills training ng mga Tuguegaraoeño na magagamit nila sa paghahanap ng mas maayos na trabaho at mas mataas na sweldo
Kaugnay nito , binigyang-diin ni Ronaldo Elepaño Jr, presidente ng PCA, layunin ng PCA na isulong ang pag-unlad ng industriya ng konstruksiyon sa pamamagitan ng mga inisyatibo, mga programa, at mga proyekto na nakatutulong sa mga miyembro nito simula nang mabuo ang kanilang asosasyon noong 1945.
Dagdag pa bi Elepaño na nag-aalok ang PCA ng mga seminar, workshop, at pagsasanay upang mapaunlad ang kasanayan at kaalaman ng mga propesyonal sa industriya ng konstruksiyon.sa pammagitan ng mga katuwang nilang.ahensya katulad n lambg ng tesda at ched.