Naghahanda na ang Philippines Coast Guard District North Eastern Luzon para sa panahon ng tag-ulan.
Ayon kay Coastguard Ensign Jessa Villegas, information officer ng PCGNEL, nagtalaga na sila ng response group na layunin na gumawa ng preventive action upang maiwasan o mabawasan ang mga hindi kanais-nais na insidente sa dagat na maaaring idulot ng tag-ulan.
Bukod dito ay nagsagawa na rin sila ng water and search rescue training para maihanda ang kanilang mga tauhan maging ang mga volunteer sa panahon ng kalamidad.
Samantala, naka-deploy pa rin ang BRP Malapascua upang magsagawa ng maritime patrol at magsilbing bantay sa mga researchers sa Benhum Rise na sakop ng
kanilang hanay.