
Nagbabala ang Philippine Coast Guard (PCG) na maaaring makumpleto ng China ang tinatawag na “iron triangle” sa West Philippine Sea kapag militarisahin nito ang Bajo de Masinloc o Scarborough Shoal.
Ayon kay PCG spokesperson Rear Admiral Jay Tarriela, nananatiling “last unfinished vertex” ang Bajo de Masinloc matapos gawing military installations ng China ang ilang bahura sa Spratlys at makontrol ang Paracel Islands.
Giit ni Tarriela, maaaring magkaroon ng mas malawak na epekto sa international trade at freedom of navigation ang pagtatayo ng military facility sa shoal, na nasa loob ng 200-nautical-mile EEZ ng Pilipinas.










