Nagpadala ang bansa ng mas maraming aircraft ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) sa West Philippine Sea (WPS) matapos ang mapanganib na hakbang ng military chopper ng China sa Bajo de Masinloc kamakailan, ayon sa Philippine Coast Guard (PCG) said.

Sa isang statement, sinabi ni PCG spokesperson for WPS Commodore Jay Tarriela, isinagawa ang maritime domain awarenent (MDA) flight sa Kalayaan Island Group kahapon ng umaga.

Ayon sa kanya, isinagawa ang MDA flight ng dalawang BFAR aircraft, mula sa Puerto Princesa.

Sinabi niya na nasabing operasyon, nakita ang China Coast Guard (CCG) vessel na may bow number 5101 at nasa 50 na Chinese maritime militia vessel sa Pagasa Island, maging ang anim na Chinese maritime militia vessels sa Rozul Reef.

Binigyang-diin ni Tarriela na magpapatuloy ang presensiya ng BFAR at PCG sa WPS at hahamunin ang illegal activities ng mga dayuhang barko sa katubigan ng bansa.

-- ADVERTISEMENT --