Nanawagan ang Palasyo ng mas maingat at responsableng pag-uulat sa mga insidente ng pamamaril sa mga paaralan, lalo na’t mga menor de edad ang sangkot.

Ayon kay Palace Press Officer Usec. Claire Castro, dapat iwasan ang pagbibigay ng mga detalyeng maaaring magdulot ng panggagaya o copycat acts.

Binigyang-diin din ni Castro na mahalagang ituro sa mga kabataan ang tamang pag-uugali, paggalang sa kapwa, at maayos na pakikitungo sa mga kaklase at guro.

Kasunod ito ng magkahiwalay na insidente ng pamamaril sa isang paaralan sa Tacloban at sa Ateneo de Zamboanga. Hiniling ng Palasyo sa media na protektahan ang dignidad, kaligtasan at privacy ng mga menor de edad, gayundin ang kapakanan ng mga naulilang pamilya at ang patuloy na imbestigasyon sa mga insidente.

Pinaigting din ng Department of Education (DepEd) ang seguridad sa mga paaralan matapos ang insidente sa Tacloban at ang panibagong insidente sa Zamboanga.

-- ADVERTISEMENT --