TUGUEGARAO CITY-Kasalukuyang namimigay ng iba’t-ibang klase ng gamot ang Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) sa 17 munisipalidad sa Cagayan.
Ayon kay Heherson Pambid ,PCSO manager ng Cagayan, nagkakahalaga ng P50,000 ang mga gamot na ibinibigay sa bawat munisipalidad kung saan ipamimigay din ng mga LGU ng libre sa mga benipisaryo.
Kabilang sa mga bayan mabibigyan ng gamot ay Ballesteros, Sanchez Mira, Calayan, Sta Teresita, Lal-lo, Sta Praxedes, Penablanca, Abulug, Piat, Enrile, Santo Nino, Baggao, Rizal Lasam , pamlona ,Solana at maging sa office of the vice governor na una ng naibigay sa kanila.
Aniya, bago makakuha ng gamot ang isang benipisaryo ay kailangan pa ring dumaan sa tamang proseso kung saan kailangang magpakita ng dokumento.
Ang naturang programa ay regular na ginagawa ng PCSO kung saan namimigay ang kanilang tanggapan ng gamot sa mga bayan na nanganagilangan ng gamot.