
Nagbabala sa publiko ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) nitong Huwebes, Disyembre 11 sa pagbili online ng peyote, isang spineless cactus na naglalaman ng mapanganib na hallucinogenic substance na mescaline.
Sinabi ni PDEA director general and undersecretary Isagani Nerez, ang paglalabas ng abiso ay kasunod ng mga report patungkol sa cactus na ito na ibinebenta sa online shopping platforms.
Ayon sa kanya, hindi ornamental plant ang “peyote” sa halip ay source ng mapanganib na droga.
Sinabi ni Perez, ibinebenta online na isang smuggled contraband o ginagawa mismo dito sa bansa ang nasabing cacti, upang maiwasan na matukoy ito ng mga awtoridad.
Hinimok ni Nerez ang publiko na isumbong kung may makikitang nagbebenta ng peyote sa kanilang lugar.
Ayon sa PDEA, ang mescaline ay klasipikado bilang dangerous drug sa ilalim ng Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Nasa listahan din ang mescaline bilang controlled substance sa ilalim ng 1971 United Nations Single Convention on Psychotropic Substances.
Ang mescaline ay naglalabas ng malakas na hallucinogenic effects na maaaring makaapekto sa isang tao katulad ng matinding pagkahilo, pagsusuka, pamamaga ng mata, sakit sa ulo, panghihina, at kawalan ng motor coordination.










