TUGUEGARAO CITY-Nanawagan ang Philippine Deposit Insurance Corporation (PDIC) sa mga depositors ng nagsarang Rural Bank of Luna Apayao na hindi pa nakapaghain ng insurance claim na magsumiti na.
Ayon sa PDIC, maaaring isumiti ang dokumento hanggang October 16 sa taong kasalukuyan.
Paliwanag ng ahensiya na dalawang taon lang ang ibinibigay na palugit mula ng magsara ang bangko para makapaghain ng insurance claim sang-ayon sa PDIC charter.
Una rito,dapat ay noong August 17, 2020 ang huling araw ng pag-file ng claim ngunit nagdesisyon ang ahensiya na palawigin pa ang deadline hanggang October 16, 2020 dahil sa community quarantine.
Ang Rural Bank of Luna (Apayao), Inc. ay ipinasara noon pang August 2018.
Maaring mag-file ang mga depositor sa pamamagitan ng email sa PAD@PDIC.GOV.PH, o sulat o courier na naka-address sa PDIC Public Assistance Department, 6th Floor, SSS Bldg., 6782 Ayala Avenue corner V.A. Rufino Street, Makati City o mag-message sa Facebook account ng PDIC na OfficialPDIC.
Maaari ring personal na mag-file sa PDIC Public Assistance Center sa Makati City sa pamamagitan ng appointment para makasunod sa physical distancing protocols.
Maaari ring magpa-appointment sa pamamagitan ng pagtawag during office hours sa hotline number na (02) 8841-4141, o sa Toll-free number na 1-800-1-888-7342 o di kaya’y bisitahin ang www.pdic.gov.ph para sa karagdagang impormasyon. With reports from Bombo MArvin Cangcang