Nagbabala ang Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO) Cagayan, sa posibleng banta ng flashflood dahil sa patuloy na pagtaas ng lebel ng tubig sa Cagayan River na dulot ng malalakas na ulan ng Super Typhoon Nando at pag-apaw mula sa Magat Watershed.

Ayon kay Rueli Rapsing, hepe ng PDRRMO Cagayan, sa kasalukuyan ay nasa 5.5 metro na ang lebel ng tubig sa Buntun bridge nitong alas-8 ng gabi ng Lunes.

Aniya, kapag umabot ito sa 6 metro, maaapektuhan ang ilang overflow bridges at malalawak na taniman ng palay sa mga bayan sa silangang bahagi ng probinsya.

Sa kasalukuyan, hindi na madaanan ang Bagunot Bridge at Taytay Bridge sa Baggao, Cagayan.

Naka-full alert naman ang lahat ng frontline agencies katuwang ang mga uniformed personnel upang magsagawa ng mabilis na pagtugon kung kinakailangan.

-- ADVERTISEMENT --

Bagama’t wala pang naitatalang kaswalidad, pinaalalahanan ng PDRRMO ang mga residente, lalo na ang nasa mababang lugar at tabing-ilog, na maging handa sa biglaang pagtaas ng tubig at sumunod agad sa abiso ng mga otoridad.