Nagpapatuloy ngayon ang monitoring ng Cagayan Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council dahil sa nararanasang mga pag-ulan at bahagyang pagtaas ng Tubig sa ilog dahil sa Amihan.

kaugnay Nito ay nagpaalala si Rueli Rapsing, head ng ahensya na huwag magpakampante dahil nararamasan pa rin ang moderate to heavy rains sa ibat ibang parte ng probinsya.

Ang mga tubig na nagpapataas ngayon sa mga kailugan ay nanggaling aniya sa siera madre mountain at hindi sa upper stream.

Nakapagtala umano ng pagguho ng lupa sa bahagi ng Parabba, Penablanca habang nagpapatuloy ang validation sa Asassi, Baggao.

Bukod aa Pinacanauan nat Tuguegarao at Capatan Overflow bridges ay passable pa rin naman ang lahat ng mga kalsada at iba pang tulay sa probinsya.

-- ADVERTISEMENT --

Sa ngayon ay wala pa namang naiulat na mga kabahayang apektado ng pagbaha.