CTTO

TUGUEGARAO CITY-Nanawagan ang Provincial Environment and Natural Resources Office (PENRO)-Cagayan sa publiko lalo na sa mga Barangay officials na pansamantalang huwag galawin o ilabas sa kanilang mga nasasakupang lugar ang mga nakuhang salvaged wood o mga driftwood kasunod ng pagbahang naranasan.

Ayon kay Atty. Ismael manaligod, Penro officer ng Cagayan,ito’y dahil mag-iikot ang kanilang mga personnel at magsasagawa ng inventory.

Aniya,bagamat, ipapaubaya ng kanilang pamunuan na kunin ang mga nakuhang driftwood para mapakinabangan ng mga mamamayan,kailangang dumaan ito sa inventory para maiwasan na gamiting rason ng mga patuloy na gumagawa ng illegal logging.

Sinabi ni Manaligod na walang nakikitang pagkakaiba o anumang senyales kung driftwood o sadyang pinutol ang mga kahoy kung kaya’t kailangang gawin ang inventory.

Patuloy naman na kumukuha ng footages kung saan nagpapalipad ng mga drone ang PENRO partikular sa bulubunduking bahagi ng Pamplona para makita kung may pagguho ng lupa o may mga sadyang nagsasagawa ng illegal logging sa lugar.

-- ADVERTISEMENT --

Samantala, ipinaliwanag naman ni Manaligod na hindi lahat ng mga gustong bumili ng chainsaw ay nabibigyan ng permit.

Ayon sakanya,kailangan ay may registered plantation o may mga itinanim na punong kahoy sa mga pribadong lupain bago mabigyan ng kaukulang permit ang kanilang chainsaw.

Pahayag ito ng opisyal nang mahuli at boluntaryong isinuko ang 16 na chainsaw sa PNP-cagayan na walang kaukulang permit.