Itataas ng Social Security System (SSS) ang pensyon ng mga retirado nitong mga miyembro kasama na ang mga disability pensioners na umaabot sa 3.8 million tuwing Setyembre taon-taon hanggang sa 2027,

Ayon sa Department of Finance, para sa mga retirees at disability pensioners¬, itataas ng 10% ang kanilang pensyon samantalang itataas naman ng 5% ang matatanggap ng mga death or survivor pensioner o mga asawa ng mga retiradong SSS member na pumanaw na.

Sinabi ng SSS na pagkatapos ng tatlong taon, tataas ang pensyon sa halos 33 percent para sa retirement/disability pensioners at 16% para death/survivor pensioners.

Ayon sa SSS, 99.4% ng mga may pensyon ay nakatatanggap ng P4,923 lamang kada buwan.

Pagdating ng Setyembre 2027, P6,548 na ang kanilang mga pensyon o karagdagang P1,625 sa kabuuan.

-- ADVERTISEMENT --

Nilinaw ng SSS na ang pagtataas ng pensyon ay walang kasabay na pagtaas sa kontribusyon ng mga miyembro at may moratorium ng pagtataas ng kontribusyon hanggang 2027.

Ayon naman ng DOF, nasa 3.8 million pensioners ng SSS as of August 31, 2025 ang makikinabang nito.

Dagdag ng DOF, ito ang kauna-unahang taunang pagtataas ng pensyon na gagawin ng SSS.