Isinailalim sa lockdown ang Pentagon nitong Huwebes matapos makatanggap ng ulat tungkol sa posibleng hazardous materials incident at air quality issue sa gusali.

Ayon sa US Department of Defense, natukoy ng safety systems ng Pentagon ang problema sa hangin kaya agad na ipinatupad ang precautionary measures at shelter-in-place order sa apektadong bahagi ng gusali.

Sinabi ng tagapagsalita ng Pentagon na si Sean Parnell na isinasagawa ang standard protection protocols habang nagpapatuloy ang imbestigasyon at pag-verify sa pinagmulan ng insidente.

Iniulat din na ilang bahagi ng gusali ang pansamantalang inilikas at isinara habang naka-deploy ang emergency response teams.

Ang Pentagon, na isa sa pinakamalalaking gusali sa mundo, ay dati nang naging target ng pag-atake noong Setyembre 11, 2001.

-- ADVERTISEMENT --