Inaprubahan na ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang 1.64 bilyong performance-based bonus o PBB para sa mga opisyal, sundalo, at personnel ng Philippine Army.
Ayon kay Palace Press Officer Claire Castro, aabot sa 110,688 na kwalipikadong myembro ng Philippine Army ang makatatanggap ng benepisyo, na katumbas ng hanggang 45.5% ng kanilang buwanang sahod para sa taong 2023, depende sa kanilang naging performance.
Itinakda kasi na kailangang nasa very satisfactory rating ang performance ng mga opisyal, sundalo, at personnel upang maging kwalipikado sa PBB.
Binigyang-diin ng Palasyo na kinikilala ng Pangulo ang sakripisyo at dedikasyon ng mga sundalo sa pagtatanggol ng kapayapaan at soberanya ng bansa, kaya’t marapat lamang na masuklian ang kanilang serbisyo.
Batay sa updated Special Allotment Release Order na inilabas ng Department of Budget and Management, lahat ng kwalipikadong tauhan ng Philippine Army ay makikinabang sa PBB ngayong taon.