Ibinasura ng Office of the City Prosecutor ng Taguig ang perjury complaint na inihain ni Vice President Sara Duterte laban kay Ramil Madriaga.

Sa resolusyon na may petsang Setyembre 2, sinabi ni Assistant City Prosecutor Duke Thaddeus Maog na walang sapat na prima facie evidence na may makatwirang posibilidad na mauwi sa conviction si Madriaga.

Si Madriaga, na nagpakilalang dating aide at umano’y bagman ni Duterte, ay nag-akusa na pinondohan umano ng mga drug dealer at operator ng Philippine offshore gaming operators o POGO ang grupong “Inday Sara Duterte is My President” o ISIP Pilipinas.

Ang reklamo ni Duterte ay may kaugnayan sa mga pahayag ni Madriaga na itinuring ng kanyang kampo na sinumpaang kasinungalingan.

Sa kabila ng pagkakabasura ng reklamo, maaari pa ring maging bahagi ng mas malawak na usapin ang mga alegasyon ni Madriaga, na una na rin niyang inilahad sa mga pagdinig at pampublikong forum.

-- ADVERTISEMENT --