Aabot sa 29 na local companies at walong overseas agency ang makikibahagi sa gaganaping job fair mula June 22-24 ng PESO Cagayan.

Ayon kay Mylene Peralta-PESO Manager, ilan sa mga local companies na ito ay mula sa Tuguegarao, fastfood, hotel at marami pang iba.

Habang ilan rin sa overseas agency ang nag aalok ng nursing, medocal technologists, domestic workers at iba pa.

Aniya, kasama sa nasabing international agency ang bansang USA na naghahanap ng 100 nurses, Qatar, Kuwait at Malaysia.

Bukod sa job fair mayroon ding business one stop shop kung saan naimbitahan ang ilang ahensiya ng gobyerno para sa libreng proseso lalong-lalo na ng mga first time job seeker.

-- ADVERTISEMENT --

Dagdag pa ni Peralta na maaari rin i-search ang kanilang facebook page para makita ang mga trabaho na bakante ng iba’t ibang establishimento na makikibahagi sa job fair.

Gaganapin ang nasabing job fair sa Mamba gym, Cagayan sports complex.