TUGUEGARAO CITY-Magsasagawa ng job fair ang Public Employment Service Order(PESO) Tuguegarao sa Hulyo 26, 2019 na isasagawa sa Peoples Gym.

Ayon kay Mary Rose Geron, head ng Peso-Tuguegarao, katuwang ng kanilang tanggapan sa isasagawang Job fair ang siyam na travel agency.

Aniya, prioridad umano sa job fair ang mga skilled workers na in demand sa ibang bansa tulad ng electrician, hair dresser, mechanical, engineer at marami pang iba.

Kaugnay nito, binigyang diin ni Geron na huwag mangamba dahil ang mga travel agency na katuwang ng PESo ay legal.

Sinabi ng opisyal na layon ng naturang aktibidad na tulungan ang mga nagnanais magtrabaho abroad.

-- ADVERTISEMENT --