Naghain ng petisyon ng isang kandidato sa pagka-Senador laban kay Pastor Apollo Quiboloy, founder ng Kingdom of Jesus Christ (KOJC) para kanselahin ang certificate of nomination and acceptance (Cona) na ibinigay dito bilang nominee ng Workers and Peasants Party (WPP).
Binigyang-diin ni labor leader Sonny Matula, dapat na kanselahin ang Cona ni Quiboloy dahil sa hindi umano siya kuwalipikado na tumakbo sa pagka-senador dahil sa material misrepresentation.
Inilagay ni Quiboloy sa kanyang certificate of candidacy na tatakbo siya sa ilalim ng WPP.
Idineklara naman ng Commission on Elections ang dalawang “wings” ng WPP; isa ay pinamumunuan ni Matula at ang isa ay pinapangunahan ni Mark Tolentino.
Si Quiboloy ay nakakulong buhat noong Setyembre dahil sa mga akusasuyon ng human trafficking at child abuse, na mariing pinabulaanan ng kampo ng pastor.