
Handa ang business tycoon na si Ramon Ang na ipagbili sa gobyerno ang kanyang kumpanyang Petron Corporation, na itinuturing na pinakamalaking oil refiner at retailer sa bansa, sa gitna ng dinaranas na krisis sa langis.
Ayon kay Ang, makikipagtulungan siya sa pagsusumikap ng pamahalaan na pagaanin ang pasanin ng publiko dahil sa dinaranas na global oil price shock.
Nangako rin si Ang na hindi sila magsasamantala sa kasalukuyang krisis sa langis.
Matatandaang noong 2021 ay una nang inialok ni Ang sa Kongreso na ipagbiling muli sa pamahalaan ang Petron.
Tiniyak naman ni Ang sa isang hiwalay na pahayag, na ang naturang alok ay bukas pa rin hanggang sa ngayon.
-- ADVERTISEMENT --










