Makikipag-ugnayan ang pamahalaan sa Meta, kumpanyang nasa likod ng Facebook, upang tugunan ang nihilistic violent extremism (NVE) at mga posibleng banta ng school shootings sa bansa.

Ayon kay NBI Director Melvin Matibag, magbabahagi ang pamahalaan ng impormasyon sa Meta tungkol sa mga indibidwal na namomonitor na posibleng sangkot sa pagpaplano ng karahasan, kabilang ang mga insidenteng maaaring katulad ng nangyari sa Tacloban at Zamboanga.

Magkakaroon din umano ng tanggapan ang Meta sa Pilipinas para mapabilis ang komunikasyon sa mga awtoridad. Tutulong din ang kumpanya sa pagtugon sa fake news at troll farms.

Samantala, sinabi ni Justice Secretary Fredderick Vida na may pattern ng mga online “groomer” na inaanyayahan ang mga batang naglalaro ng video games na sumali sa hiwalay na chatrooms, kung saan maaari silang maimpluwensiyahan na gumawa ng karahasan.

-- ADVERTISEMENT --