
Nagpadala umano ng liham si ni US President Donald Trump kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos upang alukin na isali sa Board of Peace ang Pilipinas, ayon kay Philippine Ambassador to the US Jose Manuel “Babes” Romualdez.
Inilunsad ang Board of Peace noong huling bahagi ng Enero at may hindi bababa sa 26 na founding member states.
Nakatuon ito sa peace efforts kaugnay ng mga kaguluhan sa Israel at Gaza.
Nilinaw naman ni Romualdez na kahit may itinakdang $1 bilyon na kontribusyon para sa mga founding member, handa ang Pilipinas na makibahagi sa pamamagitan ng non-monetary support, tulad ng paglalaan ng human resources.










