
Inihayag ng Bureau of Customs (BOC) na may sapat na dalawang buwang supply ng produktong petrolyo ang Pilipinas sa kabila ng nagpapatuloy na tensyon sa Gitnang Silangan.
Ang pahayag ni Nepomuceno ay kasunod ng mga pag-aalala na maaaring tumaas pa ang presyo ng gasolina sa mga susunod na linggo dahil sa sigalot sa Gitnang Silangan.
Ayon sa DOE, ito ang “minimum estimates” para sa posibleng pagtaas ng presyo ng mga susunod na linggong fuel:
Diesel — P19.00 kada litro
Gasolina — P9.00 kada litro
Kerosene — P31.00 kada litro
Sinabi rin ni Nepomuceno na iniinspeksyon ng BOC ang mga bodega at depot ng mga kumpanya ng langis upang matiyak na walang artipisyal na kakulangan sa bansa.
Pinaigting naman ng DOE ang kanilang monitoring laban sa posibleng hoarding at profiteering sa bentahan ng mga produktong petrolyo.
Dagdag ni Nepomuceno, maaaring maapektuhan ang kita ng gobyerno mula sa buwis sa langis dahil umaabot ang taunang koleksyon mula P330 bilyon hanggang P410 bilyon.
Inihahanda rin ng DOE ang mga hakbang upang mapagaan ang epekto ng tensyon sa Gitnang Silangan sa suplay at presyo ng langis sa bansa.










