Inihayag ng Philippine Navy na nananatiling matatag at hindi apektado ang mga tropang Filipino sa kasalukuyang “word war” o palitan ng salita laban sa China, dahil alam nila ang kanilang mandato at ang isyu sa West Philippine Sea.

Ayon kay Rear Admiral Roy Vincent Trinidad, tagapagsalita ng Navy, naiintindihan ng mga kasundaluhan ang mga issue na ito sapagkat sila ang nasa frontline at alam nila ang anilang mandato.

Binanggit din ni Trinidad na ang tunay na kalaban ay hindi ang kapwa Pilipino kundi ang mga pumasok sa teritoryo ng bansa.

Patuloy namang pinapalakas at mino-modernize ng Navy ang kanilang fleet, kabilang ang bagong warship na itinayo sa South Korea, at patuloy ang maritime patrols kasama ang mga kaalyadong bansa sa pinagtatalunang waters.