Batay sa ulat ng Phil Navy, rumesponde ang BRP Ramon Alcaraz (PS 16) ng Naval Forces West sa Vietnamese fishing vessel na may Bow Nr. Q.Ng 96554 TS na napaulat na nagkaproblema habang naglalayag sa naturang karagatan.
Nadatnan ng mga tauhan ng Phil Navy ang Vietnamese vessel na bahagyang nakalutang ngunit wala nang mga sakay na tripulante.
Lumubog ang naturang bankang pangisda sa karagatang sakop ng Quirino(Jackson) Atoll, isa sa mga traditional fishing ground ng mga Pilipinong mangingisda.
Kinalaunan ay napag-alaman ng Phil Navy na isa ring Vietnamese fishing vessel ang sumagip sa mga tripulanteng sakay ng lumubog na bankang pangisda.
Ang sumagip na barko ay natunton ng Phil Navy sa layong 4.6 nautical miles mula sa lugar kung saan lumubog ang unang Vietnamese fishing vessel.
Ayon naman kay Ayon BRP Ramon Alcaraz Commanding Officer, LCdr. Christofer Neil Calvo, nakahanda ang Phil Navy na laging tumugon sa mga maritime incident sa katubigang sakop ng Pilipinas.