Inaprubahan ng Philippine Health Insurance Corporation o PHilHealth Board en banc ang pagtataas sa package rate sa hemodialysis mula P4,000 hanggang P6,350 kada session.

Sinabi ng Department of Health na ang nasabing rate para sa pribado at pampublikong dialysis units.

Idinagdag pa ni DOH na pinapahintulutan ang mga pribadong dialysis units na maningil ng dagdag na professional fee na hanggang P450 para sa mga ginawang serbisyo ng nephrologists.

Ayon sa DOH, idedetalye ang susunod na hakbang sa PhilHealth circular at operationalization ng PhilHealth Management upang matiyak na makukuha ang mas mataas na claim.