TUGUEGARAO CITY- Tiniyak ng PHILHEALTH Region 2 na sapat ang pondo ng ahensiya para sa mga claims lalo na sa mga covid-19 patients.

Sinabi ni Arsenia Torres, Regional vice president ng PHILHEALTH region 2 na may itinabi ang ahensiya na P30B para sa mga claims sa buong bansa.

Ayon kay Torres, nasa P600M ang ibinigay sa Region 2.

Samantala, sinabi ni Torres na kasalukuyan pa lang ang ginagawa nilang pagproseso sa mga PHILHEALTH claims ng mga ospital sa rehion na tumatanggap ng covid-19 patients dahil sa nagsisidatingan pa lang ang mga nasabing claims sa kanilang tanggapan.

-- ADVERTISEMENT --

Sinabi ni Torres na tanging ang Isabela Southern Medical Center na ang nakapagsumite na ng P11M na halaga ng claims para sa 90 na covid-19 patients.

Kaugnay nito, sinabi ni Torres na nag-advance sila ng bayad sa PHILHEALTH claims sa mga nasabing ospital upang makapagbigay sila ng tulong sa mga ito.

Gayonman, sinabi ni Torres na ang nasabing advance payment ay hindi lamang para sa mga covid-19 patients kundi para sa lahat ng mga PHILHEALTH members na nagpaospital dahl sa ibang sakit.

Sa ibang banda, sinabi ni Torres na dati nang voluntary ang pagbabayad ng premiums ng mga overseas Filipino workers.

Ito ay matapos na matanggal na ito sa isa sa mga requirement ng Philippine Overseas Employment Administration.