Nagsagawa ng medical mission ang Philippine Coast Guard North Eastern Luzon sa bayan ng Baggao, Cagayan.

Sinabi ni CG Ensign Ryan Joe Arellano, umabot sa 200 ang benepisyaryo ng kanilang isinagawang medical mission na mga may kapansanan at senior citizen sa Barangay Hacienda Intal.

Ayon sa kanya, katuwang nila sa nasabing aktibidad ang iba pang ahensiya ng pamahalaan.

Samantala, sinabi ni Arellano na nadagdagan ang kanilang personnel sa PCGNEL na mula sa iba’t ibang unit ng PCG.