Nangako ang pamahalaan ng Pilipinas na magbibigay ng suporta sa mga Pilipinong inaresto at kasalukuyang nakakulong sa Qatar dahil sa pagsasagawa ng mga unauthorized political protest.

Ayon sa Department of Migrant Workers (DMW), patuloy silang nakikipag-ugnayan sa mga local authorities sa Qatar upang tiyakin ang kaligtasan at kalagayan ng mga naarestong Pilipino, kabilang na ang 17 Overseas Filipino Workers (OFWs) na iniimbestigahan kaugnay ng kanilang mga political activities.

Maaalalang nagkaroon ng mga rally sa iba’t ibang panig ng mundo noong Marso 28 bilang bahagi ng selebrasyon ng 80th birthday ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon sa mga awtoridad ng Qatar, nilabag ng mga Pilipinong nag-rally ang Qatar Law No. 18 of 2004, na nagsasaad na ilegal ang pagsasagawa ng mga unauthorized political protest at kailangan ng pahintulot mula sa pamahalaan bago magsagawa ng ganitong aktibidad.