Nagbabala ang Philippine Space Agency (PhilSA) sa publiko sa hilagang Luzon tungkol sa posibleng debris mula sa Long March 7A rocket na inilunsad ng China mula sa Wenchang Space Launch Site sa Hainan kaninang 11:47 ng umaga.

Inaasahang babagsak ang mga debris sa karagatan malapit sa Dalapuri Island, Cagayan; Burgos, Ilocos Norte; Camiguin Norte, Cagayan; at Santa Ana, Cagayan.

Bagama’t hindi inaasahang tumama sa lupa o mga nasasakupang lugar, may panganib ang mga debris sa mga barko, eroplano, at mangingisda sa lugar.

Kasama sa debris ang mga hindi nasunog na bahagi ng rocket gaya ng booster at fairing, at maaaring malutang sa dagat at dalhin ng agos sa malapit na baybayin.

Paalala rin ng PhilSA na maging maingat sa pagtangkilik o pagkuha ng anumang debris dahil maaari itong maglaman ng nakalalasong kemikal mula sa rocket fuel.

-- ADVERTISEMENT --