
Iginiit ni Senadora Pia Cayetano na hindi siya nagtatago matapos makumpirmang nasa Singapore siya, at sinabing naroon siya para suportahan ang Philippine Padel National Team.
Ayon kay Cayetano, sinadya niyang pumunta sa Singapore para manood at sumuporta sa tune-up games ng koponan bago ang Asian Games.
Itinanggi rin niyang may dahilan siyang magtago at hiniling sa publiko na huwag maniwala sa mga kuwentong kumakalat tungkol sa kanyang pag-alis ng bansa.
Kinumpirma ng Bureau of Immigration na umalis ng Pilipinas sina Pia at kapatid niyang si Senador Alan Peter Cayetano.
Samantala, iniimbestigahan ng National Bureau of Investigation ang umano’y anomalya sa hosting ng 2019 Southeast Asian Games, na pinamunuan noon ni Alan Cayetano ang organizing committee.
Nagsasagawa rin ang Ombudsman ng fact-finding investigation kaugnay ng reclamation project sa bahagi ng Laguna Lake sa Taguig City.








