
Inihayag ni Department of Public Works and Highways Secretary Vince Dizon na pupunta siya bukas, December 19 sa Alcala, Cagayan.
Pangungunahan ni Dizon ang pagbubukas ng ginawang detour bridge na kapalit ng bumagsak na tulay noong October 6.
Ayon kay Dizon, natupad ang kanyang pangako na gagawin ang nasabing tulay sa loob ng dalawang buwan.
Binigyang-diin ni Dizon na kaya na mabilis na gawin ang isang proyekto na de kalidad, kung naka-focus sa trabaho at hindi ang pagnanakaw ang inaatupag.
Kasabay nito, ipinamaglaki din ni Dizon ang mga nagawa at mga ginagawang proyekto ng ahensiya buhat nang maupo siya sa puwesto noong buwan ng Setyembre o tatlo at kalahating buwan pa lamang.
Ayon sa kanya, mabilis at maayos na nagawa at ginagawa ang mga proyekto ng DPWH.
Sinabi niya na hindi pa tapos ang ahensiya at marami pa silang dapat na gawing mga proyekto.
Samantala, sinabi ni Dizon na umaabot na sa 87 individuals ang inirekomenda nilang masampahan ng kaso na sangkot sa mga maanomalyang government infrastructure projects.










