Nakuha ng Pilipinas ang Guinness World Record (GWR) para sa pinakamarami na participants sa sabay-sabay na pagtatanim ng kawayan.

Ito ay matapos na nakibahagi ang 2,305 planters sa aktibidad sa 19 na lokasyon sa mainland Mindanao at Leyte noong October 18.

Ang record ay kinumpirma ni GWR adjudicator Sonia Ushiriguchi sa selebrasyon ng National Science and Technology Week sa Mindanao.

Pinangunahan ng Department of Science and Technology (DOST) ang inisiyatiba para ipakita ang papel ng kawayan sa pagsusulong ng circular economy, climate resilience at sustainable development.

Kaugnay nito, nanawagan si DOST Secretary Renato Solidum Jr. sa mga mambabatas na lumikha ng mga polisiya na susuporta sa circular economy framework, at gamitin ang kawayan bilang ehemplo.

-- ADVERTISEMENT --

Ayon sa kanya, dapat na mahalin natin ang kalikasan tulad ng pagmamahal sa ating mga anak, tiyakin na titira sila sa malusog, payapa at matatag na lugar.

Iginiit naman ni Bukidnon 1st District Representative Jose Manuel Alba,chair of the House Committee on Sustainability Goals and Climate Change, ang kahalagahan ng pagsubaybay sa paglaki ng bambbo seedlings na itinanim sa nasabing event.

Tampok sa event ang potential ng kawayan bilang ecological at economic resource, pagpapalakas sa commitment ng pamahalaan sa sustainability.