Nilagdaan ng Pilipinas ang tatlong kasunduan at letter of intent sa dalawang araw na state visit ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Brunei na naglalayong makalikha ng mas maraming trabaho at magpapaunlad sa ating ekonomiya.
Lumagda ang Pilipinas at Brunei ng memoranda of agreement sa tourism cooperation, maritime cooperation, at Mutual Recognition of Standards of Training, Certification and Watchkeeping (STCW) certificates.
Sinabi ni Communications Secretary Cheloy Velicaria-Garafil, nilagdaan din ang letter of intent para sa renewal ng memorandum of understanding sa food security at agricultural cooperation.
Ang MOU sa RTCW certificates ay magpapahintulot sa mga ahensiya ng pamahalaan ng bansa at Brunei na kilalanin ang national certificates na ibinibigay ng focal agencies ng dalawang bansa.
Sinabi ni Gerafil na ang kasunduan ay mahalaga para sa maritime nations tulad ng Pilipinas at Brunei.
Ang LOI sa agriculture ay magpapahintulot naman sa dalawang bansa na palawakin ang kooperasyon at collaboration sa larangan ng agrikultura para sa food security at sustainable agriculture.
Si Pangulong Marcos, kasama si First Lady Liza Araneta-Marcos ay dumating sa Brunei kaninang umaga para sa kanyang unang state visit sa nasabing Muslim country na mayaman sa langis.