Kasunod ng paglagda ng Philippines-Japan Reciprocal Access Agreement (RAA) ay palalakasin pa ng dalawang bansa ang partnership para maisulong ang “free and open international order at rule of law” sa ilalim ng Marcos Jr. administration.
Sinabi ni Japanese Foreign Minister Kamikawa Yoko na isang malaking progreso at achievement ang paglagda ng nasabing kasunduan na lalong magpapaigting sa kooperasyon ng dalawang bansa.
Magbibigay daan aniya ang paglagda sa nasabing agreement sa pagpapalitan ng joint drills o military exercises sa pagitan ng mga sundalong Filipino at Japanese.
Bukod dito ay sinabi naman ni Japan Defense Minister Kihara Minoru, na ang paglagda ng RAA ang nagpatibay pa ng kooperasyong pang-depensa ng dalawang bansa at siniguro nito na paiigtingin pa ang defense cooperatoon at exchanges ng Pilipinas at Japan upang makamit ang free and open Indo-Pacific.