
Lumagda ang Department of Migrant Workers o DMW at Labor Ministry ng Slovak Republic sa isang kasunduan para palawakin ang employment at business opportunities sa pagitan ng dalawang bansa.
Sa ilalim ng kasunduan, itatatag ang Labor Consultation Mechanism para mapalakas ang koordinasyon sa mga usapin sa paggawa at proteksyon sa migrant workers.
Kabilang sa pag-uusapan ang labor market data, mga oportunidad sa trabaho, pagpapabilis ng recruitment process at pagkilala sa professional credentials.
Ayon sa DMW, layunin din ng kasunduan na isulong ang ethical recruitment, proteksyon sa karapatan ng mga migrant worker at mas maraming makabuluhang oportunidad sa trabaho para sa mga Pilipino.
Batay sa datos ng DMW, nasa 12,000 Pilipino ang nagtatrabaho sa hospitality, construction at service sectors sa Croatia, Slovenia at Slovakia hanggang Oktubre 2025.










