
Binigyang-diin ng bansa na hindi dapat maging dahilan ang pagsusulong ng kapayapaan sa South China Sea upang isuko ang soberanya at mga karapatang pandagat ng mga bansang nasa rehiyon.
Sa pagbubukas ng Manila Dialogue on the South China Sea nitong Linggo, sinabi ni National Security Adviser Eduardo Oban Jr. na hindi nangangahulugang may pangmatagalang kapayapaan na dahil lamang walang nagaganap na armadong labanan.
Nagbabala rin si Oban laban sa unti-unting paghina ng mga karapatang pandagat dahil sa paulit-ulit na pananakot at paghihigpit sa legal na pag-access sa karagatan.
Samantala, iginiit ni Defense Secretary Gilberto Teodoro Jr. na dapat ipagtanggol ng Pilipinas ang mga karapatang pandagat nito batay sa United Nations Convention on the Law of the Sea o UNCLOS at sa bisa ng international law.
Aniya, hindi lamang lakas-militar ang dapat maging sandigan ng bansa kundi ang kapangyarihan at lehitimasyon ng batas internasyonal.
Isinasagawa ang tatlong araw na Manila Dialogue mula Nobyembre 15 hanggang 17 bilang bahagi ng paggunita sa ika-10 anibersaryo ng 2016 arbitral ruling sa South China Sea.










