Muling iginiit ng Pilipinas sa United Nations General Assembly na pinal at legally binding ang 2016 arbitral ruling sa South China Sea at dapat itong igalang ng lahat ng panig.

Ayon sa Philippine delegation, nananatiling batayan ng bansa ang UNCLOS at ang arbitral award sa paggiit ng mga karapatan nito sa exclusive economic zone.

Binanggit din ng Pilipinas ang umano’y pagharang ng Chinese vessels sa resupply mission para sa BRP Sierra Madre sa Ayungin Shoal noong Setyembre 24, gayundin ang pagtutol nito sa pagtatatag ng China ng nature reserve sa Bajo de Masinloc.

Samantala, muling tinanggihan ng China ang arbitral ruling at sinabing hindi nito kinikilala o tinatanggap ang desisyon.

Iginiit ng Beijing na hindi umano nito nalutas ang maritime disputes at sa halip ay nakadagdag sa tensyon sa rehiyon. Ang 2016 award ay inilabas ng tribunal sa ilalim ng UNCLOS at, ayon sa United Nations records, final at binding ito sa mga usaping saklaw ng desisyon.

-- ADVERTISEMENT --