
Opisyal nang naging ika-71 miyembro ng Coalition for Disaster Resilient Infrastructure o CDRI ang Pilipinas matapos makipagpulong si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa mga opisyal ng grupo sa New Delhi, India.
Layunin ng CDRI na tulungan ang mga bansa na palakasin ang imprastraktura laban sa mga sakuna at epekto ng climate change.
Bilang miyembro, makikinabang ang Pilipinas sa teknikal na suporta at kaalaman ng ibang bansa, kabilang ang mga oportunidad para sa pagpopondo ng disaster-resilient infrastructure projects.
Ang Pilipinas ang ikalawang bansa sa Southeast Asia na sumali sa CDRI, kasunod ng Vietnam.










