Target ng Pilipinas na matapos ngayong 2026 ang negosasyon para sa free-trade agreements o FTAs sa European Union at Canada, ayon sa Department of Trade and Industry.

Ayon kay Trade Secretary Ma. Cristina Roque, layunin ng pamahalaan na palawakin ang mga pamilihan para sa mga produktong gawa sa Pilipinas at palakasin ang export sector.

Nakumpleto na rin ng Pilipinas ang negosasyon para sa free-trade agreement sa Chile, na inaasahang lalagdaan sa Oktubre.

Magbibigay ito ng mas malaking access sa South American market para sa mga Pilipinong exporter.

Samantala, sinabi ni Roque na patuloy na nangunguna sa agricultural exports ang saging, pinya at niyog, habang kabilang naman sa mga bagong produktong lumalakas ang export potential ang ube at calamansi.

-- ADVERTISEMENT --

Noong 2025, umabot sa rekord na 15.4% ang paglago ng Philippine exports, at sinabi ng DTI na patuloy ang pagtaas nito ngayong 2026.